ID-100145699By Chinkee Tan

Aamin mo ba na TAMAD ka paminsan-minsan?

Lahat tayo ay nakakaranas ng katamaran paminsan-minsan, marahil dahil sa panahon o kaya naman ay dahil sa sobrang kapaguran.

Pero meron din naman mga tao na talagang kinareer na ang pagiging tamad.

At kung isa ka sa mga taong alam na mali itong pag-uugali at gusto mong MATAGUMPAYAN ang laban sa katamaran, basahin mo ang blog na ito.

Isang effective na paraan para ikaw ay ganahan ay ang paggamit ng…

POWER OF VISUALIZATION

Imagine what you want to ACHIEVE. For example, ang inaasam mo ay MAGPA-PAYAT.

Imagine, how life will be kung nasusuot mo muli yung mga damit mo noong ikaw ay nasa high school pa.

Imagine, that you are making so much money that you are able to help your parents and relatives, at sila ay natutuwa sa iyo.

Focus on that VISION so you will be INSPIRED, and not tired of exerting effort.

Isipin mo na gaganda ang FUTURE mo at sigurado ako na gagawin mo ngayon ang lahat ng effort para magka-IMPACT sa iyong kinabukasan.

Through this, you will also develop the …

POWER TO DREAM

Kasabay ng pag-visualize mo, you can also develop the drive to work, at gaganahan ka dahil nagkakaroon ka na ng PAG-ASA.

Kapag nagsipag ka, hindi ka magugutom, pati na rin ng pamilya mo.

At kung matiyaga ka, maganda ang kinabukasan mo.

It’s also advisable that you develop the …

POWER TO WORK SMART

Madalas kaya tinatamad ang isang tao ay dahil sa OVERWHELMED sa bigat ng big task. Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa.

One way of working smart is himay-himayin mo muna ang isang malaking gawain into smaller tasks. One task at a time lang. One step at a time.

Ang mahalaga ay MAY NATATAPOS ka.

And once you see results at nakikita mong may progress ka na, you must also practice the…laziness-chinkee-tan

POWER TO REST

Isang malaking factor kung bakit wala kang gana sa DAPAT na ginagawa mo ay napupuyat ka sa mga UNNECESSARY ACTIVITIES, gaya na lang ng magdamagang pagtingin sa Facebook, Instagram at Twitter.

Kung ang pag-check mo ng mga social media sites ay NAKAKATULONG para mas MAPABUTI ka, okay lang yun.

Pero kung dahil lang sa katamaran, MAAWA ka sa sarili mo!

Magpahinga ka sa ORAS NG PAHINGA para kapag kailangan mo nang magtrabaho, may sapat kang energy para magawa mo ang iyong RESPONSIBILITY.

THINK. REFLECT. APPLY.

Are you lazy? Gusto mo bang ma-overcome ang laziness mo? Ano ang plano mo para tuluyan mong malabanan ang katamaran?

‪#‎tamad‬ ‪#‎rest‬ ‪#‎chinkeetan‬ ‪#‎chinkpositive‬